Nananatiling on track ang Commission on Elections (Comelec) sa usapin ng kahandaan sa papaparating na halalan.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia na maaga nilang natatapos ang mga deadline na may kinalaman sa eleksyon.
Samantala, tiniyak naman ni Garcia na hindi makakaapekto sa nagpapatuloy na pag-iimprenta ng balota ang mga itinuturing na ”defective” ballots.