Pag-aaralan ng Commission On Elections o COMELEC ang mga nauna nilang desisyon hinggil sa kung ano ang gagawin sakaling nahuli sa pagpapasa ng Statement Of Contributions and Expenditures o SOCE.
Tugon ito ng COMELEC kasunod ng late filing ng SOCE ng Liberal Party nitong Martes.
Sinabi ni Comelec Chairman Andres Bautista na bukod sa naging desisyon ng kanilang ahensya ay susuriin din nila ang mga naunang desisyon ng iba pang departamento ng pamahalaan sa tuwing nahuhuling magpasa ang publiko sa pagsusumite ng isang requirement.
Halimbawa aniya rito ay kung ano ang ginagawa ng Bureau of Internal Revenue o BIR sa tuwing may mahuhuling magpasa ng Income Tax Return.
Ipinaliwanag din ni Bautista na masusi nilang pagaaralan ang magiging desisyon bago ang June 30.
By: Meann Tanbio