Pag-uusapan pa ng Commission on Elections (COMELEC) ang iba pang parusang ipapataw sa mga kandidatong hindi lalahok sa presidential at vice-presidential debates.
Ayon kay Comelec commissioner George Garcia, sa Miyerkules pag-uusapan kung ano pang parusa ang pwedeng ipataw na hindi lalabag sa umiiral na batas at sa karapatan ng mga kandidato.
Pinayuhan naman ni Garcia ang publiko na ituon na lamang ang pansin at pakikinig sa mga kandidatong present sa debate imbes na hanapin ang wala.
Matatandaang sa kauna-unahang debate nitong weekend, tanging sina dating senator Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at Davao City mayor Sara Duterte-Carpio ang hindi dumalo.—sa panulat ni Abby Malanday