Patuloy ang ginagawang paghahanda ng Commission on Elections (COMELEC) sa darating na eleksyon sa kabila ng Kapaskuhan.
Ayon sa COMELEC, puspusan na ang ginagawang pag-aayos ng technology provider na Smartmatic sa mga gagamiting makina para mai-deliver ito at masubukan sa Enero 2016.
Nagsisimula na rin ang loading ng mga pangalan ng kandidato sa mga gagamiting computer para sa gagawing pag-imprenta ng balota.
Sa ngayon ay tanging ang vice presidential candidates pa lamang ang naikakarga sa data bank dahil doon lamang walang pending issue.
By Rianne Briones