Pansamantalang sinuspinde ng Commission on Elections (Comelec) ang voter registration sa mga lugar na nasa modified enhanced community quarantine (MECQ) hanggang Hunyo 30.
Ito’y ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez kasunod nang anunsyo ng pamahalaan ukol sa bagong quarantine classifications sa iba’t ibang mga lugar sa bansa.
Subalit nilinaw naman ni Jimenez na ang voter registrations sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ), gaya ng Metro Manila ay magpapatuloy.
Noong nakaraang buwan, nakatanggap ng mahigit tatlong milyong aplikasyon ng botante ang comelec para sa eleksyon sa 2022. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico