Hinimok ng pamunuan ng Commission On Elections (COMELEC) ang publiko na magparehistro na para makalahok sa botohan sa susunod na taon.
Ito ang panawagan ni James Jimenez, tagapagsalita ng COMELEC, aniya sa ngayon nananatiling mababa ang voter registration turnout.
Paliwanag ni Jimenez, kung ang datos noong September 2020 ang pagbabatayan, umabot lang ng higit sa isang milyong botante ang nagparehistro.
Aniya, ang naturang bilang ay malayong-malayo pa sa target nilang apat na milyong registrants.
Nauna rito, pinalawig pa ng COMELEC hanggang sabado ang kanilang voter’s registration para aniya’y mas marami pa ang makapagparehistro at makalahok sa botohan na malinaw na imahe ng demokrasya.