Pinag-aaralan pa ng Comelec ang posibilidad na maisama bilang campaign expense o gastos sa kampanya ang political advertisement sa social media kaugnay sa 2022 national elections.
Ayon ito kay Comelec Spokesperson James Jimenez bilang pag kontra sa naunang pahayag ni senate Committee on Electoral Reforms Chair Imee Marcos na nalilito ito sa nasabing polisiya na ipatutupad ng komisyon simula sa Oktubre.
Sinabi sa DWIZ ni Jimenez na ang nasabing hakbangin ay pareho rin ng mga naisulong na sa Senado.