Pinagbigyan ng Commission on Election (COMELEC) ang kahilingan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa exemption para sa election spending ban.
Sinabi ni COMELEC Commissioner George Garcia, sa desisyon ng en banc na kinatigan ng komisyon ang kahilingan ng DSWD sa 45 araw na campaign period.
Layon nito na hindi maparalisa ang operasyon ng nasabing ahensya.
Habang kabilang sa request for exemption ng DSWD ang infrastructure at procurement projects.
Samantala, hindi naman inaprubahan ng komisyon ang ilang lokal na pamahalaan na may kahilingang exemption sa pagpapatupad ng mga proyekto.