Inurong ng Commission on Elections (COMELEC) ang raffle ng ballot placement ng mga party-list group para sa Eleksyon 2022 sa Disyembre a-14.
Ayon sa COMELEC, inilipat ang electronic raffle na dapat na gaganapin ngayong araw dahil sa mga apela sa Korte Suprema.
Tinutukoy dito ng poll body ang higit isang daang (107) party-list groups na ibinasura ang rehistrasyon na lumahok sa raffle at Halalan 2022.
Samantala, maaaring lumahok ang ilang party-lists sa nasabing araw sakaling aprubahan ng Korte Suprema ang petisyon sa status quo ante order. —sa panulat ni Airiam Sancho