Pinag-kokomento na ng Supreme Court ang Commission on Elections (COMELEC) kung bakit hindi dapat hadlangan ang kanilang polisiya na “no bio, no boto.”
Ito’y makaraang maglabas ang SC ng temporary restraining order ang laban sa Mandatory Biometrics Voters Registration Law.
Sampung (10) araw lamang at wala ng extension ang ibinigay ng Korte Suprema sa COMELEC sa pamamagitan ng Solicitor-General bilang abogado ng pamahalaan upang ihain ang kanilang paliwanag.
Inatasan din ng Supreme Court En Banc ang Clerk of Court na tiyaking personal na mabibigyan ng kopya ang magkabilang partido sa naturang usapin.
Una ng kinuwestyon sa High Court ng Kabataan Partylist ang resolusyon ng poll body dahil sa pagiging labag umano nito sa karapatan ng mga rehistradong botante na makaboto na ginagarantiyahan naman ng Saligang Batas.
By Drew Nacino | Bert Mozo (Patrol 3)