Kailangang magpaliwanag ng Commission on Elections kung ano ang totoong nangyari at kung ano ang epekto sa darating na halalan ng balitang na-hack ang kanilang system o server.
Ito ang inihayag ni presidential aspirant Manny Pacquiao makaraang igiit na hindi dapat palampasin ang naturang insidente.
Ayon kay Pacquiao, dapat na malaman kung may nakahandang plano ang Comelec sakaling makompromiso ang ating automated system sa nalalapit na halalan.
Sinabi pa ni Pacquiao na dapat gamitin ng kongreso ang oversight power nito kaugnay sa Automated Election Law.
Hindi aniya ito ang unang pagkakataon na na-hack ang sistema ng Comelec, pagpapakita aniya ito na may seryosong depekto ang security ng computer system ng Comelec.
Hiniling din ni Pacquiao na payagan ng Comelec ang mga local party na magsagawa ng independent at third party audit sa lawak ng sinasabing hacking incident.