Itinanggi ng kampo ni Patricia Bautista ang alegasyon na may nagpopondo sa kanila para sirain si COMELEC o Commission on Elections Chairman Andy Bautista at sirain ang kredibilidad ng 2016 elections.
Ayon kay Atty. Lorna Kapunan, legal consultant ni Ginang Patricia, kung may mga ganitong agam-agam laban sa kanila dapat ay kumilos na ang Commission on Elections para imbestigahan ang kanilang chairman.
Kumbinsido si Kapunan na bahagi lamang ito ng depensa ni Chairman Bautista upang mailihis sa kanyang ill-gotten wealth ang isyu.
Kasabay nito, binalewala ni Kapunan ang qualified theft at coercion na isinampa ni Chairman Bautista laban kay Patricia.
“Yun ang threat niya na, ay kapag nag-imbestiga kayo dito ay kayo din ay baka mawalan kayo ng puwesto kasi kinukuwestyon yung election, kung sinasabi niya na mayroong politician o political party na nag-mamanipulate, in fact sabi pa nga niya na meron pa ngang nagpopondo nito, pinopondohan daw ang asawa niya, eh di mag-imbestiga siya, dapat gumalaw na nga ang COMELEC, the commissioners should not remain silent, they should start investigating because this is going to affect not only the Chairman but the whole commission as an institution.” Pahayag ni Kapunan
By Len Aguirre | Balitang Todong Lakas Interview