Pinangalanan na ng Commission on Elections (COMELEC) ang 5 malls sa National Capital Region (NCR) na pagdarausan ng kanilang register anywhere drive mula December 17, 2022 hanggang January 25 2023.
Ayon kay COMELEC Spokesperson Atty. Rex Laudiangco, ito ay ang Mall of Asia, SM Fairview, Sm South Mall, Robinsons Galleria, at Robinsons Place Manila.
Maaari ring pumunta sa register anywhere booth ang mga hindi nakatira sa metro manila ngunit nais pa ring bumoto sa kani-kanilang mga munisipyo.
Sinabi pa ni Laudianco na ang mga thumbprints at biometrics ay kukunin sa booth at ituturn-over sa comelec patungo sa munisipalidad ng botante.
Maituturing aniya itong advantage para sa mga nais makaboto ngunit walang pagkakataong umuwi sa kanilang mga probinsya upang makapagparehistro.
Hindi na rin kailangang pumunta sa COMELEC offices ang mga gustong magpa-reactivate ng kanilang mga voters ID.
Sinabi ni Laudiangco na maaaring idownload ang form mula sa COMELEC website at i-send sa COMELEC election officer. – sa panunulat ni Hannah Beatrisse Oledan