Tila bina-blackmail ng Commission on Elections (COMELEC) ang Korte Suprema.
Pananaw ito ni Kabataan Partylist Representative Terry Ridon, matapos ibasura ng High Tribunal ang petisyon ng grupo kontra ‘no bio no boto’ campaign ng COMELEC.
Ayon kay Ridon, ginagamit na pang blackmail ng COMELEC ang ‘no el’ o no election scenario para panindigan ang aniya’y nasabing iligal na polisiya ng komisyon.
Sinabi ni Ridon na tanging ang hinihiling lamang nila sa COMELEC ay sumunod sa konstitusyon.
Iginigiit din ni Ridon ang pagkontra sa posisyon ng COMELEC na tanging ang biometrics registration lang ang titiyak sa malinis at maayos na eleksyon.
By Judith Larino