Pinawi ng Commission on Elections (Comelec) ang pangamba ng publiko hinggil sa posibilidad na magkadayaan sa mismong araw ng eleksiyon.
Iginiit ng Comelec na malabong madaya ang paggamit ng mga Vote Counting Machines sa Halalan.
Tiwala si Commissioner Marlon Casquejo na sakaling maranasan na ng mga botante ang paggamit ng mga makina sa kanilang VCM demonstration sa mga Mall, ay mababawasan ang mga mali sa eleksyon.
Ayon kay Casquejo, kadalasan sa mga balota ay nadudumihan ay nagkakaroon agad ng epekto sa mga VCM.
Pinayunahan naman ng ahensya ang mga botante na kung sakaling magkaroon ng aberya, ay agad itong ireport sa election boards para agad na maaksiyunan.