Plano ng Commission on Elections (Comelec) na dagdagan ang clustered precincts sa darating na May 2022 elections.
Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, mula sa 84,000, ay balak nilang gawing hanggang 105,000 ang bilang ng polling precincts.
Aniya, ito ay matapos tumaas ang voting population at upang maiwasan ang overcrowding.
Sinabi pa ni Jimenez na makaboboto nang may kumpiyansa ang mga botante dahil ang mga voting center ay nakadisenyo bilang COVID-19 safe. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico