Plano ng Commission on Elections (COMELEC) na magkaroon ng isolation polling places para sa mga botanteng makikitaan ng sintomas ng COVID-19 sa mismong araw ng halalan.
Ayon kay Commissioner Aimee Torrefranca-Neri, isa ito sa mga ikinukunsiderang hakbang ng poll body upang matiyak na ligtas ang eleksyon para sa mga botante sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Maliban dito, nakatakda ring bumuo ang COMELEC ng medical advisory board bilang karagdagang suporta sa COVID-related guidelines.
Makikipagtulungan rin ang poll body sa mga health at medical groups upang maglagay ng medical desks na tutugon sa health related issues ng mga botante, partikular na ang vulnerable groups, sa araw ng eleksyon.