Pinulong ni Commission on Elections Chairman Andres Bautista sina Philippine National Police Chief Police Director General Ricardo Marquez at Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Hernando Iriberri kaugnay ng kanilang paghahanda para sa 2016 elections.
Kanilang tinalakay ang ilalatag na seguridad sa halalan upang tiyaking magiging mapayapa at maayos ito.
Partikular na napag-usapan sa closed-door meeting ang pagpapatupad ng nationwide gun ban na magsisimula ng Enero 15 hanggang Hulyo 15, 2016.
Sa mga nabanggit na panahon, ang lahat ng permit to carry firearms outside of residence na ibinibigay sa mga gun holders ay suspendido.
Magtatalaga rin ng joint COMELEC-AFP-PNP checkpoint bilang bahagi ng pagpapatupad ng nasabing gun ban.
By: Allan Francisco