Sinimulan na kahapon ng Commission on Elections (COMELEC) ang pag-iimprenta ng mga balota na gagamitin para sa May 9 national at local polls.
Dakong alas-2:00 ng hapon nang simulan ng National Printing Office ang pag-iimprenta sa kanilang facility sa Quezon City.
Ayon kay COMELEC Chairman Andy Bautista, tinatayang 56 na milyong ballots ang kailangang iimprenta at maikling papel lamang ang ginagamit kumpara sa mahabang balota noong 2010 at 2013 elections.
Nasa 800,000 hanggang 1 milyong balota naman ang kayang iimprenta ng mga makina ng npo kada araw na karaniwang tumatagal ng 80 araw.
“Ang ating target na matapos ang printing of ballots by April 25 kasi nga mas maiksi ang balota na ating gagamitin itong darating na halalan, kumbaga inayos namin yung balota para siguraduhin kapag mas maiksi mas madali ang pag-imprenta at maliban diyan mas bibilis din ang ating halalan sa Mayo kasi nga yung makina pag tinatanggap niya yung balota, kapag maikli mas maayos.” Pahayag ni Bautista.
Official List
Inilabas na ng Commission on Elections opisyal na listahan ng mga kandidato sa pagka-pangulo, pangalawang pangulo, senador at partylist sa May 9 national polls kasabay ng pagsisimula ng ballot printing.
Kasama sa listahan para sa pagka-pangulo sina Vice President Jejomar Binay ng United Nationalist Alliance; Senator Miriam Santiago ng People’s Reform Party;
Davao City Mayor Rodrigo Duterte ng Partido ng Demokratikong Pilipino-Laban; Mar Roxas ng Liberal Party at Senador Grace Poe na independent candidate.
Ipinaliwanag naman ni COMELEC Chairman Andy Bautista na nananatili sa balota ang yumaong si OFW Family Club Partylist Rep. Roy Señeres alinsunod sa Omnibus Election Code.
Kandidato naman sa pagka-bise presidente ang mga independiyenteng sina Senators Alan Peter Cayetano; Francis Escudero; Ferdinand Marcos; Antonio Trillanes; Gregorio Honasan ng UNA at Leni Robredo ng LP.
Kabilang naman sa 50 senatorial candidates sina Manila Vice Mayor Isko Moreno; Senators Frank Drilon; Win Gatchalian; Richard Gordon; TG Guingona; Risa Hontiveros; Rey Langit; Alma Moreno;
Ping Lacson; Getulio Napeñas; Susan Ople; Sergio Osmeña III; Manny Pacquiao; Samuel Pagdilao; kiko Pangilinan; Carlos Jericho Petilla; Ralph Recto; Martin Romualdez; Roman Romulo; Vicente “Tito” Sotto; Francis Tolentino; Joel Villanueva; Migz Zubiri; Mark Lapid at Edu Manzano.
By Drew Nacino | ChaCha