Muling pinayuhan ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga botante na kung ‘pre-marked’ o may marka na ang kanilang balota ay huwag itong tanggapin.
Ito’y matapos kumalat sa social media na may mga balota na mayroong ‘pink mark’ kung saan sinasabing pumapabor ito sa isang kandidato.
Ayon kay COMELEC Spokesman Director James Jimenez, maaaring tumawag sa voter care center ng poll body sakaling makaranas ng anumang uri ng aberya.
VCM malfunction
Tinutugunan na ng Commission on Elections o COMELEC ang mga aberya sa iba’t ibang panig ng bansa.
Ayon kay Director James Jimenez, tagapagsalita ng COMELEC, inaayos na nila ang problema sa mga polling precinct tulad na lamang ng pag-malfunction ng mga VCM’s o vote-counting machines.
Ipinahiwatig din ni Jimenez na posibleng ikonsidera ang pagpapalawig ng botohan sakaling hindi agad matugunan ang mga problema ng mga botante.
By Jelbert Perdez | Cely Bueno (Patrol 19)