Inanunsiyo ng Commission on Elections (COMELEC) na walang voter registration sa huling 4 na holidays ngayong taon.
Sa isang advisory, ipinaliwanag ng poll body na sarado ang lahat nitong tanggapan sa buong bansa sa Disyembre 25 (Pasko) at Disyembre 30 (Rizal Day) na parehong regular holidays at maging sa Disyembre 24 at 31.
Isasagawa naman ang huling araw ng voter registration ngayong taon sa Disyembre 29 at magpapatuloy ito sa Enero 4, 2021.
Samantala, muling nagpaalala sa publiko ang COMELEC ukol sa ipinatutupad na health protocols sa iba’t ibang sangay nito sa buong bansa.