Pinuna ni dating acting Justice Secretary Alberto Agra ang mga ipinatutupad na COMELEC rules para sa mga kandidato.
Ayon kay Agra, na isang ELection Lawyer at Professor sa Ateneo de Manila University, sa katunayan ay hindi naman nasusunod ang mga kautusan ng poll body.
Ang mga paglabag anya gaya ng paglalagay ng election-related posters o materials sa mga pampublikong lugar, ay mahirap i-monitor lalo’t limitado ang bilang ng tauhan ng COMELEC.
Bukod pa ito sa bagong COMELEC guidelines, sa ilalim ng resolution 10732, na nagbabawal sa pakikipag-kamay at pakikipag-selfie habang nasa rallies, pero nilalabag pa rin ng mga kandidato sa public events na kanilang ino-organisa.
Ipinunto ni Agra na ang COMELEC rules ay hindi akma sa mga political aspirant lalo’t ang official campaign period ay magsisimula pa sa Pebrero a–otso hanggang Mayo a-syete at hindi pa naman opisyal na kandidato ang mga ito.
Sa kabila nito, naniniwala si agra na maaaring gamitin ang guidelines at penalties na ipinapataw ng Inter-Agency Task Force on COVID-19 at Local Government Units (LGU) laban sa mga lumalabag na kandidato.