Nagtataka ang Commission on Elections (COMELEC) kung bakit ngayon lamang naghain ng electoral sabotage case ang grupo ni dating COMELEC Commissioner Gus Lagman laban sa Smartmatic-TIM.
Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, pag-aaralan pa nila ang nilalaman ng petisyon ng grupo ni Lagman.
Nag-ugat ang reklamo sa umano’y tampering sa resulta ng 2013 midterm polls na lumabas sa transparency server ng parish pastoral center for responsible voting o PPCRV.
“Pag-aaralan po natin ‘yan, although ang akin lang parang naging unang reaction is bakit ngayon lang? kumbaga kasi 2013 pa po ‘yan eh, ewan ko kung bakit ngayon, our law department should look into it and submit a recommendation to the COMELEC.” Paliwanag ni Bautista.
Election sabotage case
Sinampahan nga ng kasong election sabotage sa COMELEC ang mga opisyal ng Smartmatic matapos umanong baguhin ang source code ng mga PCOS machine noong May 2013 elections.
Sa affidavit-complaint, ipinagharap ng kasong paglabag sa poll automation law sina Smartmatic officials Cesar flores, Albert Castro Rico at marlon Garcia.
Giit ng Automated Election System o AES Watch sa pangunguna ni dating COMELEC Commissioner Gus Lagman, binago ng Smartmatic ang source code ilang oras matapos ang botohan noong May 13, 2013.
Binigyang diin ng grupo na ang ginawa ng Smartmatic officials ay maituturing na electoral sabotage.
By Drew Nacino | Kasangga Mo Ang Langit | Jelbert Perdez