Hindi dapat iboto ng publiko ang mga kandidatong maagang nangangampanya.
Ito ang payo ng Commission on Elections (COMELEC) sa publiko kaugnay sa gagawing pagboto sa nalalapit na 2022 Eleksyon.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, isa ito sa paglabag sa panuntunan para sa nakatakdang panahon ng pangangampanya alinsunod sa Republic Act 9369 o ang Poll Automation Law.
Kasamang nanawagan ng COMELEC sa publiko ang National Movement For Free Elections o NAMFREL at Legal Network for Truthful Elections o LENTE.