Hinimok ng Commission on Elections o Comelec ang publiko na agad i-ulat sa kanila ang anumang insidente ng vote buying.
Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon, dapat magbantay ang taumbayan ngayong election at campaign season kung nais ng lahat ng isang malinis na halalan.
Nanawagan din si Guanzon sa mga botante na iwasang ipagbili ang kanilang mga boto dahil nakasisira ito sa sistema at imahe ng eleksyon sa bansa.
Hindi aniya dapat tumanggap ng kung anu-anong mga bigay o regalo tulad ng gadget ang mga botante mula sa mga kandidato dahil maaari itong ikunsiderang vote buying.
—-