Sasalain ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga kakandidato para sa 2022 elections sa mga susunod na araw.
Ipinabatid ni COMELEC commissioner Rowena Guanzon, nasa kapangyarihan ng COMELEC kung isang panggulo o nuisance candidate ang isang kandidato.
Maaari rin aniya silang i-petisyon ng isang tao o isang grupo.
Paliwanag pa ni Guanzon, masasabing nuisance ang isang kandidato kung wala itong kakayahahang mangampanya nationwide o sa buong bansa gayundin ang mga hindi natural-born citizen.
Samantala, nilinaw ni Guanzon na walang limitasyon ang mga kandidato sa paghahain ng kandidatura kahit ilang beses na natalo sa mga nakalipas na halalan.