Sinumulan na ng Commission on Elections ang pag-iimprinta ng balota ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) para gamitin sa halalan sa darating na Mayo a-nueve taong kasalukuyan.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, mahigit 2,588,193 ang kabuuang bilang ng BARMM ballots na kanilang iimprinta sa National Printing Office kung saan sisimulan nila ito sa mga balota ng Lanao del Sur na may bilang na mahigit 685,643.
Una nang sinabi ng Comelec na mahigit anim na put pitong milyon ang opisyal na balota para sa naturang eleksyon. —sa panulat ni Airiam Sancho