Nagsimula nang tumanggap ang Commission on Election ng mga aplikasyon para sa pagpaparehistro mula sa mga partidong politikal at party-lists.
Batay sa abiso ng ahensya, ang pagtanggap ng mga verified petition para sa pagpaparehistro ay alinsunod sa Comelec resolution No. 10673 na dapat gawin sa regular na oras ng trabaho mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes maliban tuwing holiday.
Base rin sa Section 60 ng Omnibus Election Code, dapat rehistrado sa komisyon ang mga political party para makakuha ng isang juridical personality, maging kwalipikado para sa kasunod na akreditasyon, at para bigyan ito ng karapatan at pribilehiyo na ipinagkakaloob sa mga ito.
Para sa may mga katanungan, maaaring bisitahin ang official website na www.comelec.gov.ph at mag-email sa clerkofthecommission@comelec.gov.ph