Pansamantalang sinuspinde ng Commission on Elections (Comelec) ang voter’s registration dahil sa patuloy na panganib dulot ng COVID-19.
Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, epektibo ang suspensiyon simula ngayong araw, March 10 hanggang March 31.
Epektibo ang kautusan sa lahat ng Comelec offices sa buong bansa.
Una nang nagsimula ang voter registration noong January 20 at magtatapos hanggang sa September 30, 2021.