Inanunsyo ng Commission on Elections (COMELEC) na pansamantalang suspendido muna ang pagpaparehistro ng mga botante para sa eleksyon sa NCR plus at iba pang lugar na nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Kabilang sa mga lugar na nasa listahan ng pansamantalang suspensyon ng voters registration ay ang Santiago City, Isabela, Abra, Quirino.
Bukod pa rito,suspendido rin ang voter’s certification sa mga nasabing lugar habang patuloy naman ang operasyon sa mga natitirang bahagi ng bansa na hindi sakop ng MECQ.
Matatandaang nagsimula ang tigil operasyon ng opisina ng COMELEC sa NCR plus nitong Lunes at tatagal hanggang Abril 30.—sa panulat ni Agustina Nolasco