Sisimulan na ng Commission on Elections (COMELEC) ang pilot testing ng “Register Anywhere” System nito sa Metro Manila.
Ayon kay COMELEC Spokesperson John Rex Laudiangco, sa pamamagitan ng naturang sistema ay mapapadali na ang pagpapatala ng publiko, kung saan bubuksan ito sa ilang piling malls.
Dalawang sets ng registration booths ang ilalagay sa satellite COMELEC sites, kung saan isa rito ay para sa mga aplikante na residente ng siyudad o munisipalidad habang ang isa naman ay para sa non-residents.
Ipapaskil ang pangalan ng mgaregistrant sa Office of the Election Officer na may hurisdiksyon sa siyudad o munisipalidad na kanilang tinitirhan, at maging sa kanilang mga barangay alinsunod sa public notice requirement.