Sinampahan ng reklamong electoral sabotage sa Ombudsman ang matataas na opisyal ng Commission on Elections (COMELEC), Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV gayundin ng Smartmatic.
Kaugnay ito sa ginawang pagpapalit ng hash code ng Smartmatic official na si Marlon Garcia sa transparency server ng COMELEC na siyang naging dahilan ng umano’y pagbabago sa resulta ng bilangan.
Pinangunahan ni Rodolfo Javellana Jr. ng grupong Mata sa Balota Movement ang paghahain ng reklamo kasama ang running priest na si Fr. Robert Reyes.
Maliban sa mga opisyal ng COMELEC at Smartmatic, dawit din si PPCRV National Chair at dating Ambassador Tita de Villa dahil sa hinayaan umano nito ang pagkakaroon ng tampering na nakaapekto sa integridad ng eleksyon.
By Jaymark Dagala | Jill Resontoc (Patrol 7)