Aminado ang Commission on Elections na sakit ng ulo nila ngayon ang inilabas na Temporary Restraining Order ng Korte Suprema para sa “No-bio No-Boto”.
Sinabi sa DWIZ ni COMELEC Chairman Andy Bautista na dahil sa SC decision ay hindi nila magawa ang pagtukoy kung ilang presinto ang kanilang gagamitin sa darating na eleksiyon.
Maaapektuhan nito aniya ang bilang ng mga balota, presinto at makinang gagamitin, kayat hihingin nila sa korte suprema na alisin ang TRO para no-bio no-boto.
“Sakit ng ulo yun e, dahil dyan hindi namin ma-finalize ang project of precincts, at mahalaga ang project of precincts dahil dapat nating malaman kung ilan ba ang ating botante. Yung number ng botante, makaka apekto sa dami ng balota at sa makina na gagamitin sa presinto na bubuoin,” paliwanag ni Bautista.
By: Aileen Taliping (patrol 23)