Nagpahayag ng suporta ang Commission on Election (COMELEC) na taasan na ang honoraria ng mga guro na magsisilbi sa halalan.
Ito’y matapos ang naging pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na taasan na lamang ang allowance o honoraria sa mga poll workers kaysa ilibre sila sa buwis.
Kasunod na rin ito ng pag-veto ng Pangulo sa panukala para sa tax exemptions na mga benepisyo na tinatanggap ng poll workers tuwing eleksyon.
Ayon kay Comelec chairman George Garcia, mayroon naman silang budget kung sakaling ipatupad ito.
Sa ganitong paraan aniya kahit na buwisan ang allowance ng poll workers ay in tax pa rin ang mismong benepisyo o honoraria na tinatanggap ng mga nagsisilbi tuwing eleksyon.