Aminado ang Commission on Elections o COMELEC na tali ang kanilang kamay para pigilan ang nalalapit na laban ni UNA senatorial candidate at Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa Abril 9.
Ayon mismo kay COMELEC Chairman Andy Bautista, wala silang kapangyarihan para harangin o pigilan ang nasabing laban na naitakda na bago pa man ang election period.
Batay sa naging desisyon ng En Banc, walang pormal na reklamong inihain laban kay pacman at kung mayroon man, kinakailangan pa itong isailalim sa pagdinig.
Binigyang diin pa ni Bautista na hindi talaga sila makapagpapasya dahil hindi pa nangyayari ang mismong laban.
Kasalukuyan pa ring hinihintay ng COMELEC ani Bautista ang komento ng kampo ni Pacman hinggil sa usapin.
By Jaymark Dagala | Allan Francisco (Patrol 25)