Tikom ang Commission on Elections (Comelec) sa ulat na aabot sa 2.4 billion pesos ang pinagsamang gastos ng labing-walong (18) senatorial candidate sa pre-campaign advertisements.
Amindo si Comelec Spokesman James Jimenez na wala silang kakayahang alamin kung saan at paano kinuha ng mga naturang kandidato ang kanilang pondo.
Ayon kay Jimenez, ang tangi nilang magagawa ay mag-monitor sa pagsisimula lamang ng campaign period.
Sa report ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) batay sa rate card ng mga media agency, nangunguna sa may pinakamalaking gastos sa TV, radio at print ads sina dating Chief Presidential Assistant Bong Go, Ilocos Norte Governor Imee Marcos at dating Interior Secretary Mar Roxas.
Umabot sa 422.5 million pesos ang ginastos nila sa kabila ng kanyang 12.9 million pesos na networth habang 413 million pesos ang ginastos ni Marcos at 401 million pesos kay Roxas.
—-