Tiniyak ng Commisison on Elections o Comelec na magiging transparent o pantay-pantay ang halalan sa Mayo a-nueve.
Ayon kay Commissioner George Garcia, gagawin ng kanilang ahensya ang lahat ng hakbang at nakikipagtulungan narin sila sa Department of Information and Communications Technology (DICT) upang maiwasan ang anomalya sa mismong araw ng eleksiyon.
Sinabi ni Garcia na magiging bukas sa publiko ang lahat ng mga steps sa pagbibilang ng boto at canvassing at magkakaroon ng live-stream sa mga server upang makita ng publiko kung sino ang lalabas at papasok sa bawat pasilidad.
Nanawagan din si Garcia sa mga botante na bumoto at pumili ng lider na nararapat na maupo sa posisyon bilang pangulo dahil nasa kamay ng mga botante ang kapalaran ng magiging hinaharap ng mga susunod na henerasyon at para mapabuti ang ating bansa.