Nire-review na ang Commission on Elections ang guidines ng Department of Social Welfare and Development sa pagbibigay nito ng mga tulong pinansyal tulad na AKAP Program.
Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, nuong natanggap nila ang guidelines at agad din itong pinag-aralan ng kanilang law department.
Ang nasabing departamento naman anya ang siyang magrerekomenda sa kanila ng nararapat na aksyon upnag hinid ito maabuso ng mga kumakandidato.
Binigyan-diin ng COMELEC Chairman na titiyakin nilang walang tulong pinansyal mula sa pamahalaan ang magbibigay ng pabor sa sinumang kandidatong tumatakbo para sa 2025 midterm elections.