Tiniyak ng Commission on Elections na mahigpit nilang babantayan ang gaganaping online voting systems ng mga OFW laban sa mga hacker.
Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na ang lahat ng mga source code review ay dumaan sa masusing proseso at international certification.
Aniya, lahat ng paraan upang mapahigpit ang seguridad ng botohon ay inilaan na ng ahensya upang masigurong hindi magkakaroon ng aberya sa online votings.
Pagbubunyag pa ng opisyal na mayroong nang 70,000 na insidente kung saan tinangkang i-hack ang kanilang system ngunit bigo ang mga ito.
Siniguro rin ng kagawaran na nakabantay bente kwatro oras ang sinanay nilang mga tauhan upang masigurong mahigpit ang seguridad ng halalan.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magsasagawa ng internet voting sa kasaysayan ng Pilipinas. - sa panulat ni Jasper Barleta