Bibigyan ng access ng Commission on Elections (COMELEC) sa transparency server ang political parties para sa darating na May 2022 Elections.
Tinukoy ni COMELEC Commissioner Marlon Casquejo na 10 partidong politikal ang magkakaroon ng access kasama ang dominant majority at minority parties, Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) at Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).
Kabilang sa mga partido na ito ang mga sumusunod:
- Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-LABAN)
- National Unity Party (NUP)
- Aksyon Demokratiko
- Partido Federal ng Pilipinas (PFP)
- Nacionalista Party (NP)
- Liberal Party (LP)
- United Nationalist Alliance (UNA)
- Lakas–Christian Muslim Democrats (CMD)
- Nationalist People’s Coalition (NPC)
- Partido para sa Demokratikong Reporma
- Akbayan
- Laban ng Demokratikong Pilipino.
Samantala, 20 media outfit lamang sa 60 na nag-apply ang maaaring mabigyan ng access sa transparency server.