Pansamantalang binusalan ng Commission on Elections o COMELEC ang kanilang mga sarili hinggil sa pagtalakay sa merito ng isyu ng pag-iisyu ng voter’s receipt.
Ayon kay COMELEC Chairman Andy Bautista, ibubuhos na lamang nila ang lahat ng argumento sa nakatakdang oral arguments ng Korte Suprema bukas, Marso 17.
Samantala, walang nakikitang problema si Bautista kahit ang kinatawan nila sa oral arguments ay si Solicitor General Florin Hilbay na kumampi kay Senator Grace Poe sa citizenship case ng senadora.
Sinabi ni Bautista na ibang isyu naman ang voter’s receipt at kuntento naman sila sa nilalaman ng kanilang motion for reconsideration na inihanda ng Office of the Solicitor General.
By Len Aguirre