Tiwala ang COMELEC na matatapos na bukas ang canvassing ng mga boto para sa pagka-senador at party list race.
Ipinabatid ng COMELEC na kapag natapos ang canvassing bukas, Martes ay posibleng maiproklama na nila ang mga nanalong senador at mga nominado ng party list groups, depende sa ilang seats na makukuha ng mga ito sa kamara.
Sinabi ni COMELEC spokesman James Jimenez na maaari pang makaapekto sa bilang ng boto sa mga nasa ibabang puwesto ang nalalabing certificate of canvass na bibilangin pa bukas na nasa halos 600,000 boto.
Magkakadikit kasi halos ang puwesto ng mga senatoriable na nasa ibabang puwesto.