Tuloy ang paghahanda ng Comelec para sa Random Manual Audit (RMA) kaugnay sa May 13 midterm elections kahit pa umatras na ang NAMFREL bilang citizens arm.
Una nang nabigyan ng accreditation ang NAMFREL bilang lead convenor ng RMA subalit nagpasya itong huwag nang tanggapin ang accreditation matapos namang tanggihan ng Comelec ang access ng grupo sa mga impormasyon at data.
Sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez na maraming grupo naman ang nagnanais gawin ang trabaho ng NAMFREL na isa lamang sa 10 grupo na bumuo ng koalisyon para sa RMA.