Walang lenten break ang Commission on Elections (COMELEC).
Sinabi ni COMELEC Chairman Andres Bautista na kailangan nilang makahabol sa dalawang linggong pagiging atrasado sa schedule.
Magugunitang natigil ang ibang gawain ng COMELEC dahil sa desisyon ng Korte Suprema na dapat mag-isyu ng voter receipt ang komisyon.
Bagamat may tauhan ang COMELEC na maari namang magbakasyon, tuluy-tuloy naman ang trabaho partikular ng mga nasa technical division na ngayon ay abala sa configuration ng vote counting machines (VCM’s) sa warehouse sa Sta. Rosa, Laguna.
By Judith Larino