Tuloy pa rin ang paghahanda ng Commission on Election (Comelec) para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa December 5.
Sa kabila ito ng mungkahing ipagpaliban muna ang Halalan, upang magamit sa ibang mahahalagang bagay ang pondong nakalaan para dito.
Sa panayam ng DWIZ kay Comelec Chairperson George Garcia, sinabi nito na bagaman wala pang pinal na pasya kung itutuloy ang BSK Election, naghahanda pa rin sila sakaling hindi ito harangin.
Ang pagbili ng ballpen at papel na gagamitin sa pagboto ang unang inihahanda ngayon ng COMELEC.
Ito kasi ang mga bagay na hindi masisira at maaari pang magamit sa halalan kahit i-uusog ang petsa nito.