Tuloy pa rin ang Commission on Elections (COMELEC) sa pag-iimprenta ng mga balota sa susunod na linggo.
Ito ang sinabi ni COMELEC Acting Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco kahit naipasa na ang pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataang Eleksyon (BSKE).
Dagdag ni Laudiangco, tuloy pa rin ang kanilang ginagawa batay sa kalendaryo ng paghahanda para sa BSKE.
Aniya, kaya nilang tapusin sa loob ng tatlumpung araw ang pag-imprenta ng 91.2 -M balota dahil isang milyong balota kada araw ang kanilang output.
Kung isasama aniya ang pag-imprenta ng verification, accountable forms at election returns ay kakayanin itong matapos maimprenta sa loob ng 45 araw.
Maging ang pamimili aniya ng mga gagamiting materyales para sa eleksyon ay naka-kalendaryo na tulad ng indelible ink, ballpen, folders at iba pa at lahat ng ito ay matatapos aniya lahat sa Oktubre ng taong ito.