Umaasa ang Commission on Elections ng mataas na voter turnout para sa gaganaping plebisito sa Maguindanao bukas, Setyembre 17.
Ayon kay Comelec Commissioner Aimee Ferolino, dalawang plebisito na ang matagumpay nilang naisagawa kung saan pinakahuli ang Calaca, Batangas na may 56% voter turnout.
Batay sa datos ng COMELEC, kabuuang 818,790 registered voters ang nakatakdang bumoto sa Maguindanao plebiscite na gaganapin sa 5,390 polling precints sa 501 voting centers.
Magmumula naman ang mga botante sa 545 barangay sa 36 municipalities sa naturang probinsya.
Ang Maguindanao plebiscite ang tutukoy kung mahahati ang lalawigan sa dalawa na tatawaging Maguindanao Del Norte at Maguindanao Del Sur.