Umaasa ang Commission on Elections o Comelec na aabot sa 40% ng voting turnout o mga boto ng mga overseas Filipino voters.
Ayon kay commissioner Marlon Casquejo, mas tataas pa ang pagboto ng overseas voters dahil may mga ibang mailed ballot pa na hindi pa naibilang sa partial and unofficial votes.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagsasagawa ng bilangan sa mga boto sa Commission on Elections o Comelec kung saan, nangungunang kandidato sa pagka-pangulo si presidential aspirant at dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Habang nangunguna naman sa pagka-bise presidente si vice-presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.