Umaasa ang Commission on Elections (Comelec) na maisasapinal na ang postponement o pagpapaliban ng barangay at sangguniang kabataan o bsk elections.
Sa pahayag ni Commission on Elections (Comelec) Chairperson George Garcia, ilang linggo na lamang ang natitira pero hindi pa rin nakapaglalabas ng pinal na desisyon ang kongreso hinggil sa naturang isyu.
Ayon kay Garcia, tiwala ang kanilang ahensya na maisasabatas na ang postponement ng bsk polls kasunod ito ng pagkaka-apruba ng kamara sa ikalawang pagbasa ang bersyon ng naturang panukala sa unang lunes ng disyembre ng susunod na taon.
Iginiit naman ni Garcia na dahil wala pang pormal na batas para ipagpaliban ang halalan, posibleng ma-bago pa ang naunang schedule na inilabas ng kanilang ahensya kabilang na ang araw ng filing ng certificate of candidacies.
Sa kabila nito, siniguro ng poll body chief na hindi masasayang ang mga inimprentang mga balota para sa bsk elections.