May backlog ang Comission on Elections na 10 Million sa biometric ID.
Sinabi sa DWIZ ni COMELEC Chairman Andy Bautista na isang hamon na naman ito sa kanila dahil sa dami ng mga iniintindi ngayon ng komisyon.
Pero nilinaw ni Bautista na maaari pa ring bumoto kahit walang biometric ID dahil hindi naman ito hahanapin sa mismong araw ng eleksiyon.
Plano ng COMELEC na i-post sa kanilang website sa Enero ang computerized voters list para ma-check kung kasali sa listahan at mabatid na ng mas maaga kung saang presinto boboto.
Kung may pagkakamali o nakalimutan ang comelec ay may panahon pa para itama ito bago dumating ang eleksiyon sa may 2016.
By: Aileen Taliping (patrol 23)